SERBISYO PARA SA PAGBABAGO

         Sa aming bayan sa Lingayen, Pangasinan, lumaki akong nakikita kung paano pahalagahan ng aming mga kababayan ang mga sundalo sa aming lugar. Maagang namulat ang aking kaisipan na isang mabigat na responsibilidad ang maglingkod sa bayan. Ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit ko ang aking pangarap. Sa halip, ito ay nagsilbing inspirasyon upang pagbutihin ko ang aking pagaaral at maging isang sundalo.Hindi man ako pinalad na maging isang opisyal, ako naman ay napabilang sa hanay ng mga Enlisted Personnel ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Isang malaking karangalan para sa akin ang makapaglingkod sa ating bayan. Bagamat hindi naging madali ang maging sundalo, maraming pagkakataon na hindi mo nakakasama ang iyong pamilya, kailangan nating gawin ng maayos ang ating tungkulin dahil nakasalalay dito ang kapayapaan ng ating bansa.

     

    © 2018 Headquarters & Headquarters Support Group, PA. All Rights Reserved. Designed & Developed by G6 | G7 HHSG, PA